Wednesday, November 1, 2017

MINSAN LAMANG

Minsan Lamang

Hebreo 9:23-28


Ano ba ang mga katotohanang matatagpuan natin sa Hebreo 9:23-28?


Minsan lamang naghandog ng kanyang sarili si Cristo 

Ang mga bagay sa sambahan sa lupa at larawan lamang ng mga nasa langit.  Kung sa lupa ay taun-taon kung mag-alay ng dugo ng mga hayop ang dakilang saserdote, si Cristo’y minsan lamang naghandog ng kanyang sarili at ito ay sapat na.  Kaya nga ito lamang ang katanggap-tanggap na alay sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan ng sanlibutan.

Ang tinuran sa 9:27 ay paghahambing sa ginawa ni Cristo.
  • Minsan lamang mamamatay ang tao tulad din naman na minsan lamang inihandog si Cristo.
  • Wala nang “second offering” at wala na ring “other offering.”
  • Babalik ang Panginoon bilang hukom ng lahat ng tao. 

Minsan lamang mamamatay ang tao 

Ang kahulugan ng kamatayan ay paghihiwalay.  Humihiwalay ang kaluluwa ng tao mula sa kanyang katawan sa kanyang pisikal na kamatayan.  Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay haharap siya sa hatol ng Diyos.

Mga maling paniniwala sa kamatayan:
  • Reincarnation
  • Soul sleep
  • 40 days
  • Purgatoryo
  • Hindi pagdalaw sa puntod ng mga namatay
  • Ang pakikipag-usap sa patay o necromancy.

Ang katagang “itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay” ay pagsasalarawan sa iisang kamatayan at alay ng Panginoong Jesus – ganap, dakila at katanggap-tanggap sa Diyos.  Hindi ito katulad ng pag-aalay ng mga hayop sa Lumang Tipan na paulit-ulit.  Nag-alay ang Panginoon sa Dakong Banal sa kalangitan na kung saan Siya ang Dakilang Saserdote.  Wala na pong anumang alay pa para sa ikapagpapatawad ng ating kasalanan.  Ang hindi pagsampalataya sa Kanya ay nangangahulugan ng kapahamakan at walang hanggan kaparusahan.  Minsan lamang tayo mamamatay, minsan lamang tayo mabubuhay… pagkatapos nito ay paghuhukom.  


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas