PANGUNAHIN SA MGA TALINGHAGA
Ano ang kahulugan ng pangunahing talinghagang ito? Marcos 4:1-20
- Binhing nalaglag sa daan
- Binhing nalaglag sa batuhan
- Binhing nalaglag sa dawagan
- Binhing nalaglag sa matabang lupa
Maraming mga nakarinig ng Salita ng Diyos na walang kamalayan na sila pala ay matagal ng biktima ng sanlibutan. Nalinlang sila upang maniwala na sila ay namumuhay pa ayon sa Salita ng Diyos gayong matagal na palang patay ang binhing minsan ay kanilang tinanggap. Tayo po ay nasa sanlibutan pa at hindi pa malaya sa mga pang-aakit nito. Gayunman, hindi kailanman dinisenyo ng Panginoon na tayo ay sumuko na lamang. Tayo ay inatasang manampalataya, maging mabunga at gawing mananampalataya ang lahat ng tao.