Sunday, July 8, 2018

Diyos ang Nagpapala

DIYOS ANG NAGPAPALA


ANG PAGKAHIRANG KAY ABRAHAM  Genesis 12:1-2a
Ang simula ng lahat ay ang malinaw na paghirang ng Diyos sa tao.  Ito ang magtatawid sa atin sa mga pagsubok at kahirapan.  Kaya nga, sinasabi ni Pablo na ang mga taong mayroong pananampalataya ng katulad kay Abraham ay tinatawag na mga inapo niya.

Ang paghirang ng Diyos ay may kaakibat na pagapapala.

  • Lupang ipinangako ng Diyos.  Pagsunod: lumisan siya sa Haran.
  • Dadakilain ang pangalan ni Abraham.  Huwag po tayong mag-imbento ng prinsipyo ng pagpapala.  Ang tunay na pagpapala ay yaong pagtupad sa pagkahirang ng Diyos.  

PINAGPALA UPANG MAGING PAGPAPALA  Genesis 12:2b-3
Para sa mga Hebreo, karugtong ang lupang ipinangako ni Yahweh sa kanilang pagkahirang.  Malinaw na kaya pinagpala ni Yahweh si Abraham ay upang siya ang maging pagpapala rin sa marami.  Hindi pansarili lamang kundi sa kapakanan ng maraming mga bansa.

Anu-ano ba ang nakapaloob sa pagpapalang ito ni Yahweh?

  • Diyos ang magbabantog sa pangalan ni Abraham para sa Kanyang kapurihan.  Ihambing kay Nimrod.
  • Magiging pagpapala siya sa maraming mga bansa.  Paano?  Si Abraham ang mangangasiwa at maghahatid ng kagandahang-loob ni Yahweh sa lahat ng mga bansa.
  • Ang Diyos ang mag-iingat sa kanya.


Malinaw po ang lakbayin nating kasama ang Diyos – pagkahirang, pangako, pagsunod ng tao, pag-iingat ng Diyos.  Dito po natin ikawing ang tunay nating kagalakan!


Click links below to listen to teaching:
Diyos ang Nagpapala (Part 1)
Diyos ang Nagpapala (Part 2)


Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

No comments:

Post a Comment