Monday, September 11, 2017

ANG SALITA NG DIYOS

Ang Salita ng Diyos

Hebreo 4:1-13


Gaano ba kahalaga ang Salita ng Diyos?


Ang Salita ng Diyos ang daan tungo sa Kanyang kapahingahan Hebreo 4:1-13

Ang ganap na kapahingahan ay matatagpuan lamang sa pananampalataya at pagsunod sa Salita ng Diyos, ang Magandang Balita.  Ang Magandang Balita ay ang kapahayagan ng Panginoon tungkol sa walang hanggang pananatili sa kapahingahan ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan Hebreo 4:7, 11-13

Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa, makapangyarihan at naghahayag ng lahat ng bagay.  Malinaw dito na walang makatatakas sa paningin ni Yahweh.  Ihahayag ng Kanyang salita ang lahat ng pagkukunwari, kataksilan at pagpapaimbabaw.

Wala pong agam-agam ang sumulat sa mga Hebreo.  Maliwanag po na susi ang ating pagpapalagay sa Salita ng Diyos sa ating pagpasok sa Kanyang kaluwalhatian.  Wala pong anumang ginagawa ang tao na hindi ihahayag ng Salita ng Diyos.  Ang Salita ng Diyos ay kapangyarihan ng Diyos.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Thursday, August 17, 2017

PAGLILINGKOD NA MAY KABABAANG-LOOB

Paglilingkod na may Kababaang-Loob

Preaching Series: Makabuluhang Paglilingkod

Paano bang makapaglilingkod ng may kababaang-loob?


Kapag natutunan na nating magmahal ng dalisay Juan 13:1-3

Minamahal ng Panginoon ang kanyang mga tagasunod at ipinakita niya ang isang halimbawa sa kanila.
* Alam niya ang oras ng kanyang paglisan (v1); ang kapangyarihang ibinigay sa kanya (v3); na siya ay nagmula sa Diyos at babalik sa Kanya (v3).
* Subalit sa kabila nito ay pinili pa rin niyang paglingkuran ang mga alagad.

Kapag natutunan na nating maglingkod sa iba Juan 13:4-11

Ang paghuhugas ng paa ang pinakaaba sa lahat ng gawain ng mga alipin. Ginagawa nila ito sa mga galing sa malayong lakbayin upang bigyan sila ng kaginhawahan.  Sa kanilang pagdating sa isang tahanan ay wala man lamang isa sa mga alagad ang nag-alok na maglinis ng paa.

Kapag natutunan na nating magparaya Juan 13:12-17

Nagbigay ng halimbawa ang Panginoon: sa kabila ng pagiging Panginoon at Guro niya ay hinugasan niya ang paa ng mga alagad.
* Ibig sabihin nito ay maging mababang-loob sila at matutong maglingkod sa isa’t-isa.
* Lagi pong iniiwasan ng marami ang mga “menial jobs.”


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Wednesday, August 16, 2017

ANG KABABAANG-LOOB

Ang Kababaang-Loob

Preaching Series: Makabuluhang Paglilingkod

Bakit marapat tayong mamuhay ng may kababaang-loob?


Sapagkat ang Panginoon mismo ay mababang-loob Mateo 20:28

Ang Panginoong Jesus ang siyang pamantayan ng kababaang-loob. Ang kababaang-loob ay ang pagpapahalaga sa iba kaysa sa sarili. Ito ay ang paglilingkod para sa ikauunlad ng iba. Walang paglilingkod sa Diyos ng walang paglilingkod sa kapwa.

Sapagkat ito ang inaasahan mula sa mga hinirang Mateo 20:25-26

Ang tinutukoy na mga Hentil dito ay yaong mga hindi hinirang ng Diyos. Ang mga walang Diyos sa kanilang buhay ay likas na layunin ang maghari, parangalan at dakilain. Subalit hindi raw ganoon ang mga mananampalataya. Ang sinumang hinirang ng Diyos ay handang magparaya, kusang maglingkod.

* “Head-table mentality” (Lucas 14:7-11)
* “Towel & wash basin attitude” (Juan 13:2-5)

Sapagkat ito ang katangian ng mga dakila sa Kanyang kaharian Mateo 20:26-27

Sa kaharian ng Diyos ang dinadakila ay yaong naging mga alipin. Ang marapat daw na umiiral sa mga Kristiyano ay ang maging lingkod. Hindi siya nananaghili sa iba manapa ay nasisiyahan siyang sila ay paglingkuran. Sa mata ng Panginoon, ang mga aliping ito ay mga tunay na pinuno.

Ang pagiging mababang-loob ay isang katangian ng alagad ng Panginoon, sapagkat kung paanong Siya ay halimbawa ay ganoon din tayo sa ating buhay. Walang paglilingkod sa Diyos ng walang paglilingkod sa kapwa. Ang sinumang alipin ng iba ay dakila naman sa kaharian Niya.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Wednesday, July 26, 2017

27th Anniversary

Happy 27th Anniversary, JFCM Biñan! Carry on!

Umbria Commercial Center, July 23, 2017

Monday, June 12, 2017

ANG DISIPLINA SA IGLESYA

Ang Disiplina sa Iglesya

Preaching Series: Ang Kinabibilangang Iglesya

Bakit mahalaga ang disiplina sa iglesya?


Sapagkat ito ang nagpapanatili ng pagkakaisa

Mapapanatili ang pagkakaisa sa diwa ng kabanalan kung susundin ang mga hakbang na ito:
* Una, kausapin ng sarilinan.
* Ikalawa, magsama ng ng isa o dalawa.
* Ikatlo, sabihin sa iglesya.


BABALA: Huwag na huwag idulog ito sa mga hindi sumasampalataya upang tayo ay kanilang hatulan. 1 Corinto 6:1


Sapagkat ito ang nag-iingat sa mga hinirang

* Itiwalag ang nangangalunyang Cristiano at baka sakaling maligtas siya. 1 Corinto 5:1-5
* Huwag makisalo sa mga hindi namumuhay bilang Cristiano. 1 Corinto 5:9-13
* Mga taong nagtuturo ng kamalian 1 Timoteo 1:18-20

Huwag po nating ipagkamali ang pagpapalagay ng Panginoon sa Kanyang katawan, ang iglesya.  Ito po ang kolonya ng Diyos dito sa lupa.  Kung magkagayon, dito Niya idinadaloy ang Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian sapagkat ito ang Kanyang kapahayagan ng Kanyang sarili.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

MGA PANIMULA NG IGLESYA

Mga Panimula ng Iglesya

Preaching Series: Ang Kinabibilangang Iglesya

Ano ba ang mga panimulang pangyayari sa iglesya?
1. Ang saligan ng iglesya ng Panginoon (Mateo 16:18)
2. Ang atas ng Panginoon sa mga alagad (Mateo 28:18-20)
3. Ang mga unang pagtitipon ng mga alagad (Gawa 2:44-47)
4. Ang pagtatatag ng mga iglesya (Gawa 14:21-23)

Ang iglesya po ang natural na bunga ng pag-eebanghelismo. Ang pangangaral ay hindi lamang parang sumusuntok sa hangin. Ito po ay may tiyak na puntirya. Hindi po tayo nangangaral lamang, tayo po ay nag-aalagad. Ang mga pagtitipon ng mga mananampalataya sa anumang lugar ay nauuwi sa pagtatag ng mga iglesya. Ang mga naitatag na iglesya ay magtatatag din ng mga iglesya. Marapat po na buhay ang diwang ito upang tama ang pundasyon, motibasyon at karakter ng iglesyang itinatatag. Kung maiba ang pasimula ay hindi rin maaabot ang hantungan ng lahat ng ito.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Sunday, April 16, 2017

TUNAY NA PAGSAMBA

Tunay na Pagsamba (Roma 12:1-2)

Preaching Series: Mga Tugon sa Kagandahang-loob ng Diyos

Ano ba ang tunay na pagsamba?
1. Ito ay isang buhay na handog sa Diyos.
2. Ito ay isang buhay na tunay na binabago ng Diyos.

Tinawag tayo sa bagong buhay, paglilingkod at pagpaparangal sa Kanya. Ang tunay na pagsamba ay isang buhay na handog sa Diyos at isang buhay na binabago ng Diyos.  Maliban dito ay pagkukunwari na.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Friday, April 14, 2017

PAGTATALAGA NG BUHAY

Pagtatalaga ng Buhay (Lukas 18:18-30)


Maitatalaga ng isang tao ang buhay niya sa Diyos:
1. kung tunay siyang magsasaliksik sa Panginoon
2. kung tunay siyang magpapasya sa hamon ng Panginoon
3. kung tunay niyang mamamahalin ang Diyos

Kung wala ang mga sangkap na ito ay magpapatuloy lamang ang ating buhay sa pagsisikap na maging “mabuti” nang hindi kailanman naitatalaga ang buhay sa Diyos.


Click here to listen to teaching.
Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Monday, March 20, 2017

IMMANUEL

Immanuel (John 1:1-18)

Series on Christology

Click here to listen to teaching.

How did the Lord Jesus relate to men before and when he became man?
1. The Lord Jesus came as God's representative.
2. The Lord Jesus appeared to men before he became man.

Remember that until the Lord Jesus, no man has seen or heard God, the Father.


The Lord Jesus became man so He can redeem us from our sin and reconcile us back to Himself and to the Father. No one comes to the Father except through Him. Let us come to Him in repentance and faith and surely, we will find forgiveness from God in His Name.


Preached by: Ptr. Raymond Mangahas
Reference: Ptr. Mar Pingol's outline, "The God Who is Always With Us"