Saturday, July 7, 2018

Ang Pasimula

ANG PASIMULA


ANG DIYOS NA MANLILIKHA Roma 1:19-20

ANG MGA PATOTOO

Pinagtitibay ba ng Bibliya ang kanyang sarili?  
Mahalaga pong makita natin ito sapagkat matibay na saligan ito ng trustworthiness ng Bibliya. Kung naniniwala tayo kay Jesus at sa mga apostol ay mahalagang makita natin kung paano nilang ginawang saligan ang mga tala ni Moises.

Ang pag-aasawa at ang Genesis
Ginamit ng Panginoon ang Kasulatan na tumutukoy sa pasimula upang bigyan ng linaw ang pagsasama ng mag-asawa at pagbabawal sa paghihiwalay liban na lamang sa kadahilanan ng pangangalunya.
  • Mateo 19:3-8
  • Genesis 1:26-27
  • Genesis 2:24
Naniniwala po tayo sa kabuuan ng Bibliya na Salita ng Diyos.  Mahalaga po na ating ikawing ang ating pananampalataya dito sapagkat sa simula pa lamang ay malinaw na ang layunin ng Diyos sa paglikha Niya sa sanlibutan.  Maging babala po sa sinuman na hindi maaaring gamitin ang pangalan ni Yahweh sa walang kabuluhan (Exodo 20:7).

Click links below to listen to teaching:
Ang Pasimula (Part 1)
Ang Pasimula (Part 2)

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

ICYC Video Highlights

                                                                  Video by Kenneth Noveno

Looking Back Moving Forward Highlights
JFCM ICYC 2018
Serenity Campsite, Pagsanjan, Laguna
April 30-May 2, 2018

Sunday, June 10, 2018

Banal na Hapunan

BANAL NA HAPUNAN

Ang Banal na Hapunan ay tinatawag ding Komunyon o Pagpipira-Piraso ng Tinapay.
Para sa atin ay dalawa lamang ang sakramento ng iglesya (ang Banal na Hapunan at ang Bautismo sa Tubig), hindi tulad ng sa Romano Catolico ng pito ang sa mga Lutherans naman na tatlo.

ANU-ANO BA ANG MGA TALA NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA HAPUNAN?
  • Ipinagdiwang ito “prophetically” – Mateo 26:26-29
  • Ipinagdiriwang ito bilang pag-aalaala sa kanya (memorial) – 1 Cor. 11:23-25
Tatlong theological positions tungkol sa pagdiriwang ng Banal na Hapunan:
  1. Transubstantiation – ang mga elemento ay nagiging literal na katawan at dugo ni Jesus
  2. Consubstantiation – literal subalit higit pa sa pagiging literal (parehong literal at symbolical).
  3. Memorial – nananatiling literal na tinapay at katas na ubas ang mga elementong ginagamit.  Ginagawa natin ito bilang pag-aalaala sa ginawa ng Panginoon hanggang sa pagbabalik niya.

PAANO BANG IPINAGDIRIWANG ANG BANAL NA HAPUNAN?

Ang pagdiriwang ng iglesya na Banal na Hapunan ay bilang pag-aalaala sa ginawa ng Panginoon Jesus para sa atin.  “We celebrate the Lord’s Supper symbolically and as a memorial of the Lord’s death with the hope on his promised return, in a solemn and respectful attitude.”  

Mga elementong ginagamit sa pagdiriwang ng Banal na Hapunan:
  1. Ang tinapay na walang lebadura (1 Cor. 5:8) – Ang tinapay ay marapat na walang lebadura o pampaalsa.  Bakit?  Sapagkat ang lebadura ay sumasagisag ng kasalanan o di kadalisayan.
  2. Katas ng ubas – Ang katas ng ubas ang sumasagisag ng dugo ng Panginoon.  Ito, tulad ng tinapay na walang lebadura ang marapat na mga elementong ginagamit sa pagdiriwang ng Banal na Hapunan.  Ang dugo ay sagisag ng buhay kaya nga ipinagbabawal ang pagkain nito.

SA ANONG KALAGAYAN ANG TAMANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA HAPUNAN?
  • Ang pagkakabaha-bahagi ng mga taga-Corinto (1 Corinto 11:17-22) – Sinaway ni Pablo ang mga taga-Corinto sapagkat nagtitipon sila hindi para sa ikabubuti kundi sa ikasasama.  Ang suliranin na ito ay makikita kung paano silang nagsasama-sama sa pagkain.
  • Ang marapat na kalagayan – Ano ang pakahulugan ni Pablo sa 1 Corinto 11:27, “Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa saro ng Panginoon nang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.”?  
    • Anong pagkakasala ang tinutukoy niya rito? Ang kasalanang tinutukoy dito ni Pablo ay ang pagkakabaha-bahagi ng mga taga-Corinto.

Ang mga sumusunod ay marapat na unawain ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Banal na Hapunan:

  1. Ang Banal na Hapunan ay pag-aalaala sa ating Panginoon (memorial).
  2. Ang mga elementong ginagamit ay kumakatawan sa dugo at katawan ni Cristo (symbolic).  Kaya nga ang mga ito ay marapat na tinapay na walang lebadura at katas ng ubas.
  3. Ito ay ipinagdiriwang ng may pagkakaisa, kabanalan at kaayusan.
  4. Ito ay paghahayag ng kamatayan ng Panginoon, muling pagkabuhay at ang pag-asang siya ay muling paparito upang isama tayo sa kanyang kaharian.

Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Monday, March 12, 2018

PANGUNAHIN SA MGA TALINGHAGA

PANGUNAHIN SA MGA TALINGHAGA

Ano ang kahulugan ng pangunahing talinghagang ito? Marcos 4:1-20

  • Binhing nalaglag sa daan
  • Binhing nalaglag sa batuhan
  • Binhing nalaglag sa dawagan  
  • Binhing nalaglag sa matabang lupa

Maraming mga nakarinig ng Salita ng Diyos na walang kamalayan na sila pala ay matagal ng biktima ng sanlibutan.  Nalinlang sila upang maniwala na sila ay namumuhay pa ayon sa Salita ng Diyos gayong matagal na palang patay ang binhing minsan ay kanilang tinanggap.  Tayo po ay nasa sanlibutan pa at hindi pa malaya sa mga pang-aakit nito.  Gayunman, hindi kailanman dinisenyo ng Panginoon na tayo ay sumuko na lamang.  Tayo ay inatasang manampalataya, maging  mabunga at gawing mananampalataya ang lahat ng tao.


Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Wednesday, February 7, 2018

ANG BIBLIA


Music: Forever, O Lord by David Morris

Video prepared by Pastor Raymond Mangahas and Kenneth Moldez Noveno
in celebration of the Bible Month in Biñan City

Friday, February 2, 2018

SOW Batch 17 Graduation

by Dyan Joy Navarro


School of Workers Batch 17 Graduates

Twenty two students comprising the School of Workers (SOW) Batch 17 — the batch with the highest number of graduates since SOW started — graduated last January 21 at Jesus First Christian Ministries Biñan Worship Hall.

The graduates completed the Character Formation (Paghubog sa Ugaling Kristiyano) module which consists of 12 lessons that help further develop and improve Christian ministries.

School of Workers Teachers
(L-R: Edgar Regencia, Fritz Jingco, Rowell Punongbayan, Senen Perez,
Jojo Tabares, Jun Pulmano, Mar Lianza, Raymond Mangahas; not in photo: Demie Diaz)

Certificates of completion were handed out to the graduates by SOW teachers — Pastor Raymond Mangahas, Elders Senen Perez, Fritz Jingco, Jojo Tabares and Edgar Regencia and Bros. Mar Lianza, Demie Diaz, Jun Pulmano and Rowell Punongbayan.

Also part of the training tool is to deploy each graduate to his/her chosen ministry in the church.

Sis. Apaul Gamol and Bro. Ray Daniel Mangahas were elected as batch president and vice president, respectively.

Bro. Ray Daniel Mangahas, SOW Batch 17 Vice President, led the graduates in their Pledge of Commitment. 

         Kudos to SOW Batch 17 graduates!  May God continue to use you for His glory!

Elder Senen Perez led the prayer for the graduates.
                               
LIST OF GRADUATES:
1. Erika Antonio
2. Abigail Drio
3. Alvin Federizon
4. Ana Fe Federizon
5. Nilda Gadiano
6. Paquito Gadiano
7. Alissa Paula Gamol
8. Christelle Angela Jaug
9. Jude Anne Jingco
10. Jem Hsiu Lin
11. Raymart Madrigal
12. Ray Daniel Mangahas
13. Jamaica Leslie Noveno
14. RJ Perdiguera
15. Keila Cristine Quejadas
16. Kaileen Lois Quejadas
17. Ailene Sacabon
18. Merolene Christine Sacabon
19. Jeanne Leigh Sayao
20. Elysa Sta. Rosa
21. Patrice Joy Talaro
22. Joanna Camille Velasco

Monday, January 29, 2018

ANG UNA AT IKALAWANG UTOS

ANG UNA AT IKALAWANG UTOS

Ano ba ang sinasabi ng Diyos sa Kanyang unang dalawang utos? Exodo 20:1-6

Ang Ikalawang Utos (laban sa mga diyus-diyusan)


ANO BA ANG ISANG DIYUS-DIYUSAN (IDOLATRY)?

  • Ito ay anumang bagay na gawa ng tayo kung saan siya ay yumuyukod at nagbibigay ng parangal.  
  • Ang pagkakaroon ng diyus-diyusan ay ang pagbibigay ng debosyon o pagtatangi sa isang bagay liban sa pagsambang para lamang sa tunay na Diyos.  
  • Mahigpit na ipinagbabawal ito sa Banal na Kasulatan.  
  • Si Yahweh ay mapanibughuing Diyos at hindi Siya papaya na magkaroon ng kahati sa pagsamba.

Mga ilang tala laban sa pagkakaroon ng mga diyus-diyusan:
Levitico 19:4
Deuteronomio 5:8
Deuteronomio 29:17
2 Hari 17:12
Gawa 15:20
Exodo 32:1-8, 30-32 (ang guyang ginto)

Ang “idolatry” ay pagbibigay pagpapahalaga at parangal sa isang bagay (larawan, anyo, hugis) na marapat na para sa tunay na Diyos lamang.

Ang Unang Utos (laban sa ibang mga diyos)


Ang Diyos at ang salapi
Mateo 6:24
1 Timoteo 6:10

Pag-ibig sa sanlibutan
2 Timoteo 4:10
Mateo 16:26
1 Juan 2:15-16

Pagpapahalaga sa ibang mga bagay
Mateo 6:19-21

Ang pagkakaroon ng ibang diyos ay ang pag-uukol ng pagmamahal at pagpapahalaga sa iba na marapat ay para sa Diyos lamang.  Kapag ang tao ay napaalipin sa mga ito ay nagiging ibang diyos na ito sa kanya.

ANONG URI NG PAGLILINGKOD ANG NARARAPAT?
  • Ang pagsamba ang pinakamataas na paglilingkod na mailaalay natin sa Panginoon. 
  • Gamitin ang iba’t-ibang kaloob para sa paglilingkod.
  • Maglingkod ng may kababaang-loob; na ang layunin ay ang kaluguran ng Diyos.

Ang pagkakaroon ng diyus-diyusan (idolatry) ay iba sa pagkakaroon ng ibang diyos (other gods).  Ang isang Cristiano ay maaaring hindi naglilingkod sa diyus-diyusan (idolater) subalit naglilingkod naman sa ibang diyos (other gods).  Kung magkagayon ay sinusuway din niya ang utos ng Panginoon.  Ano ba ang nagbibigay kaluguran kay Yahweh?  Ito ay ang buhay na ganap na isinusuko sa Kanya, ipinaglilingkod para sa Kanyang karangalan at tunay na pagmamatapat sa Kanya.  

Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Monday, December 18, 2017

EMPOWERED: You4Yah December 2017

by Timothy Kyle Quejadas



       The Youth Ministry capped the year with its Youth for Yahweh (You4Yah) activity last Dec. 10 at the JFCM Biñan Worship Center. With the theme “Empowered,” it was attended by a total of 51 JF Biñan youths and guests.
      Pastor Raymond T. Mangahas delivered a message about receiving the Holy Spirit which aimed to remind the youth about the importance of receiving and being empowered by the Holy Spirit. This was then followed by the Baptism in the Holy Spirit led by Pastor Raymond.
       Aside from the teaching and fun-filled activities, the said event also served as a Thanksgiving Celebration for the Lord's faithfulness to the ministry. Gift giving and raffle were also part of the program.

   
EMPOWERED: You4Yah December 2017 (Highlights)

Photos and videos by JP Solo and Camille Velasco
Edited by Kenneth Noveno

Monday, December 11, 2017

MAAARI BANG MAGPASKO?

Preaching Series: Si Hesus at ang Pasko

MAAARI BANG MAGPASKO?


Ang Unang Pasko Mateo 1:18-21, Mateo 13:53-36

Betrothed - Nakahanda nang pakasalan ni Jose si Maria.
Birheng Maria - Birhen siya nang ipinagbuntis niya si Jesus.
Nagkaanak si Maria kay Jose - Ito ay ang mga sumunod na anak ni Maria.
Ang Diyos Ama - Si Jesus ay bugtong na Anak ng Diyos Ama.
Si Jose - Si Jesus ay tinuring na “anak sa Kautusan” ni Jose.
Si Maria - Siya ay pinagpalang babae dahil siya ang napili ng Diyos na maging kasangkapan sa pagbubuntis at panganganak kay Hesus.

ANG KAPANGANAKAN NI HESUS Lukas 2:1-16
Mula sa Nazaret ay pumunta sa Betlehem si Jose, kasama si Maria, upang magpatala sapagkat siya’y mula sa lahi ni David.  Ang mga pastol ay nagtungo sa sabsaban sa Jerusalem kung saan naroon ang sanggol na si Jesus kasama sina Jose at Maria.  Doon na ipinanganak ni Maria si Jesus sa isang sabsaban.

ANG MGA PANTAS SA BAHAY Mateo 2:1-5
Mula sa Nazaret ay pumunta sa Betlehem si Jose, kasama si Maria, upang magpatala sapagkat siya’y mula sa lahi ni David.  Ang mga pastol ay nagtungo sa sabsaban sa Jerusalem kung saan naroon ang sanggol na si Jesus kasama sina Jose at Maria.  Doon na ipinanganak ni Maria si Jesus sa isang sabsaban.

NAGALIT SI HERODES Mateo 2:13-16
Nagalit si Herodes nang hindi na bumalik pa ang mga Pantas kaya’t ipinapatay niya ang lahat ng mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook na may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas. 

Ang Pasko Ngayon

Ang ating tugon:
  • Maaari po nating ipagdiwang ang Kapaskuhan kahit na sa Disyembre 25 o ano mang petsa; walang pong pagbabawal dito.  
  • Subalit hindi dapat ituro na ipinanganak ang Panginoon ng Disyembre 25.
  • Magsaya po tayo sapagkat ang okasyong ito ay pag-aalaala sa pagdating ng ating Tagpagligtas.

Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas

Tuesday, December 5, 2017

HESUS... TAGAPAGLIGTAS

Hesus... Tagapagligtas

Juan 3:14-21


Hesus, kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos Juan 3:16-17

Ang kapahayagan ay ang pagsisiwalat ng isang hiwaga.  Maging si Nicodemo ay kumilala na si Hesus ay galing sa Diyos.

Ang pag-ibig ng Diyos ay dakila at dalisay na pag-ibig.
  • Handang magpakasakit;
  • Handang mag-alay ng buhay para sa mga hindi naman karapat-dapat.  
  • Handang magpatawad at maglinis ng kasalanan.

Hesus, kapahayagan ng pagpapatawad ng Diyos Juan 3:18-21

Ang pagsisisi ay naglulunsad sa tao:
  • Tungo sa pagbabagong buhay;
  • Sa kababaang-loob. 
Kahit na sa tingin ng tao ay tagumpay siya dahil sa kanyang kayamanan at mga personal na adhikain kung wala naman siya kay Cristo ay nabubuhay pa rin siya sa hatol ng Diyos.

Hesus, kaganapan ng mga hula Juan 3:14-15; Bilang 21:4-9

Dahil sa kanilang katigasan ng ulo at pagrereklamo ay hinatulan sila ni Yahweh ng kamatayan sa pamamagitan ng makamandag na ahas. Gumawa si Moises ng isang ahas na tanso at itaas, ang sinumang matuklaw ng makamandag na ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi mamamatay.
Ganito ang pagliligtas ni Cristo.  Siya ay napako sa krus at kung sino ang sasampalataya sa Kanyang ginawa ay maliligtas.

Wala nang ibang Tagapagligtas.  Ang layunin ng pagparito ng Panginoon ay upang iligtas tayo mula sa kasalanan.  Ipinanganak Siya upang magtungo sa krus at bayaran ang ating mga kasalanan.  Hindi po ganap ang Kanyang kapanganakan kung hindi Siya namatay ayon sa kalooban ng Diyos.

Click here to listen to teaching.

Preached by: Ptr. Raymond Mangahas